Unang Digmaang Laban sa Opyo
Ang Unang Digmaang Opyo (Ingles: First Opium War) ay isang labanan na naganap sa Tsina (sa pamamahala ng Dinastiyang Qing). Ang mga naglaban ay ang Tsina at ang Nagkakaisang Kaharian. Ang dahilan nito ay ang halamang opyo.
Ikalawang Digmaang Laban sa Opyo
Ikalawang digmaang opyo (1856-1860) Sanhi : Patuloy na pagpasok ng ilegal na opyo Kaganapan : Ilang barkong Tsino na may watawat ng Britain ang sapilitang pinigil ng tropang Tsino. Dinakip ang kapitan na British at kinasuhan ng pamimirata at smuggling. Nagprotesta ang mga British at nagdeklara ng digmaan. Umanib ang France sa Britain laban sa China nang bitayin ng Tsino si Abbe Chapdelaine, isang misyonerong Pranses na dinakip dahil sa pagpapalaganap niya ng Kristiyanismo sa ipinagbabawal na lugar. Muling ipinakita ng mga dayuhang Europeo ang lakas ng kanilang Sandata. Madali nilang nagapi ang mga Tsino na gumamit ng mahinang uri ng amunisyon. Sapilitang nakipagsundo ang pamahalaang Tsino sa Tientsin noong 1858. Bunga : muling nalupig ang mga Tsino at lumagda sa kasunduan sa Tientsin. Sa kabila ng pagsuko, nagpatuloy ang labanan ng dalawang taon dahil sa pagpapatibay ng mga Tsino ng pader at paggawa ng narchy patungong peking. Tuluyan nang sumuko ang mga Tsino sa malakas na puwersang British at Pranses noong 1860.
Ano ang Digmaang Opyo?
Ang digmaang opyo ay ang paglalaban ng mga bansang China at England dahilan sa hindi pagtanggap at pagsunog ng China ng mga produktong opyo galing sa England na itinatambak at kinakalakal sa China. Dahil dito, nagalit ang bansang England kaya hinamon nila ang China sa isang digmaan na kung saan ay natalo ang bansang China.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento